United Church of Christ in the Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Sunday Worship Service Message

Go down

Sunday Worship Service Message Empty Sunday Worship Service Message

Post by J E F F R E Y Thu Nov 15, 2007 12:30 pm

The Resume of Jesus Christ [/color]
Address: Ephesians 1:20
Phone: Romans 10:13
Website: The Bible. Keywords: Christ, Lord, Savior and Jesus


Hello. My name is Jesus -The Christ. Many call me Lord! I've sent you my resume because I'm seeking the top management position in your heart. Please consider my accomplishments as set forth in my resume.

Qualifications
? I founded the earth and established the heavens, (See Proverbs 3:19)
? I formed man from the dust of the ground, (See Genesis 2:7)
? I breathed into man the breath of life, (See Genesis 2:7)
? I redeemed man from the curse of the law, (See Galatians 3:13)
? The blessings of the Abrahamic Covenant comes upon your life through me, (See Galatians 3:14)

Occupational Background
? I've only had one employer, (See Luke 2:49).
? I've never been tardy, absent, disobedient, slothful or disrespectful.
? My employer has nothing but rave reviews for me, (See Matthew 3:15-17)

Skills Work Experiences
? Some of my skills and work experiences include: empowering the poor to be poor no more, healing the brokenhearted, setting the captives free, healing the sick, restoring sight to the blind and setting at liberty them that are bruised, (See Luke 4:18).
? I am a Wonderful Counselor, (See Isaiah 9:6). People who listen to me shall dwell safely and shall not fear evil, (See Proverbs 1:33).
? Most importantly, I have the authority, ability and power to cleanse you of your sins, (See I John 1:7-9)

Educational Background
? I encompass the entire breadth and length of knowledge, wisdom and understanding, (See Proverbs 2:6).
? In me are hid all of the treasures of wisdom and knowledge, (See Colossians 2:3).
? My Word is so powerful; it has been described as being a lamp unto your feet and a lamp unto your path, (See Psalms 119:105).
? I can even tell you all of the secrets of your heart, (See Psalms 44:21).

Major Accomplishments
? I was an active participant in the greatest Summit Meeting of all times, (See Genesis 1:26).
? I laid down my life so that you may live, (See II Corinthians 5:15).
? I defeated the archenemy of God and mankind and made a show of them openly, (See Colossians 2:15).
? I've miraculously fed the poor, healed the sick and raised the dead!
? There are many more major accomplishments, too many to mention here. You can read them on my website, which is located at: www dot - the BIBLE. You don't need an Internet connection or computer to access my website.

References
? Believers and followers worldwide will testify to my divine healings, salvation, deliverance, miracles, restoration and supernatural guidance

In Summation
Now that you've read my resume, I'm confident that I'm the only candidate uniquely qualified to fill this vital position in your heart. In summation, I will properly direct your paths, (See Proverbs 3:5-6), and lead you into everlasting life, (See John 6:47). When can I start? Time is of the essence, (See Hebrews 3:15).
J E F F R E Y
J E F F R E Y
ADMINISTRATOR
ADMINISTRATOR

Number of posts : 386
Age : 51
Location : Kawit, Cavite, Philippines
Registration date : 2007-11-10

http://www.uccp-kawit.forumotion.com

Back to top Go down

Sunday Worship Service Message Empty Re: Sunday Worship Service Message

Post by J E F F R E Y Thu Nov 15, 2007 12:31 pm

ANG PLANO NG BUHAY


Text: Santiago 4:13-17
13_Pakinggan ninyo ito, kayong nagsasabi ?Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at gayong bayan at isang taon kami titigil doon, mangangalakal at kikita ng malaki.? 14_Ni hindi ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Sapagkat ang buhay ninyo ay parang aso ? sandaling lumilitaw at pagdaka?y nawawala. 15_Ito ang dapat ninyong sabihin, ?Kung loloobin ng Panginoon at nabubuhay pa kami, gagawin naming io o iyon.? 16_Ngunit kung kayo?y nagmamalaki at nagpapalalo. Masama iyan! 17_Ang nakakaalam na mabuti dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagkakasala.
ILUSTRASYON: Mayroong isang opisyal ng hukbong pandagat na simula pagkabata ay nangangarap na maging tagapanguna ng isang sasakyang pandigma. Ang lahat ng iyon ay nagkaroon ng katuparan at siya ay nabigyan ng pagkakataon na pangunahan ang isang bago at ipinagmamalaki ng hukbo. Habang ang sasakyang pandigma ay pumalaot ng isang gabi na masama ang panahon, napansin ng kapitan na habang paalis sila ng daungan ay may isang liwanag na mabilis na papalapit sa kanila. Inatasan nya ang kanyang signalman na magpadala ng mensahe sa d kilalang sasakyan. ?ILIKO NINYO ANG INYONG TINATAHAK 10degrees SA TIMOG. Mga ilang sandali ay narinig nila ang sagot, ?ILIKO NINYO ANG INYONG TINATAHAK 10degrees SA HILAGA. Dahil sa kilala ang kapitan na ito na walang inuurungan, muli niyang ipinagutos na iliko ng kanilang kasalubong ang kanilang tinatahak ng 10degrees sa timog, at kanyang sinabi na ?AKO ANG KAPITAN!? Muli ay sinagot sila na iliko ang kanilang tinatahak ng 10degrees sa hilaga, at sinabi nito na siya si Seaman Third Class Jones. Dahil sa galit na galit na ang kapitan, sinabi nya muli na iliko nito sa kanilang kasalubong ang kanilang tinatahak at sila ay isang sasakyang pandigma. Muli ay sumagot ito at sinabing iliko ninyo ang inyong tinatahak, isa akong parola.

Ang sabi nga po, gaano man po kalaki at kaimportante ang iniisip ng bawat isa sa atin, ang Salita ng Diyos ay nananatiling katulad ng isang parola, na kahit sino ang sumalubong ay kailangan sumunod sa iniuutos nya na pagliko ng kanilang tinatahak. Totoo din po na kapag tayo ay nakaligta na magplano, siguradong ang lahat ng ating gagawin ay hindi magkakaroon ng katuparan. Katulad din po iyan na kapag hindi natin isinama ang Diyos sa ating mga desisyon at plano, sigurado po na hindi magkakaroon ng katuparan ang lahat ng ito.

Kahit na madaming mga kamalian at pagsubok ang dumadating sa buhay ng isang tao, patuloy na hindi pinahahalagahan ng tao ang Diyos at patuloy siyang namumuhay na parang hawak niya ang kanyang buhay. KUNG NAIS NATIN NA MAGING MATAGUMPAY TAYO SA LAHAT NG ASPETO NG ATING BUHAY, DAPAT AY LAGI NATING UNAHIN AT TUMAWAG SA DIYOS SA LAHAT NG ATING GAGAWIN.





SINASABI NI APOSTOL SANTIAGO:
(13)
Walang masama kung tayo ay nagpaplano. Dapat ay magplano tayo at maging handa sa kinabukasan. Sa katotohanan, kailangan talaga natin na maglaan ng panahon upang tayo ay magplano o gumawa ng desisyon. Sa talatang 13, malinaw na sinasabi ni Apostol Santiago na isa itong babala sa atin, na dapat sa lahat ng gagawin nating desisyon at plano, dapat kasama natin ang Diyos upang maging matagumpay ito. Ngunit, sa kabila ng babala sa atin, karamihan pa din sa atin ay patuloy na nagpaplano at nagdedesisyon na hindi nila kasama ang Diyos. Kung kumilos sila ay akala mo na hawak at kontrolado nila ang kanilang mga buhay at tadhana.

Gawin sana natin na FIRST PRIORITY ang ating Diyos. Sa tuwing gagawa tayo ng hakbang at desisyon na wala ang Diyos ay hindi tayo nagtatagumpay. Kadalasan ay pinangungunahan natin ang Diyos sa lahat, kaya?t sa halip na sumunod tayo sa Kanyang mg utos, nagsasarili tayo, at kapag tayo ay nagkamali ay kalimitan isinisisi ng tao ito sa Diyos. Kung nais natin na matanggap ang walang hanggang pagpapala ng Diyos, dapat ay mantili tayo sa kanya at sundin ang kanyang kalooban.

Sa talatang 14:
ANG PAGMAMALAKI AY KABIGUAN NA MAKITA ANG DI KATIYAKAN NG BUKAS.
Sa ating mga balakin sa buhay, walang makapagsasabi kung ano ang maaring mangyari bukas, sa makalawa, sa isang linggo, sa isang buwan o kahit sa isang taon. Sabi nga po sa KAWIKAAN 27:1 HUWAG IPAGHAHAMBOG ANG ARAW NG BUKAS, PAGKAT DI MO ALAM KUNG ANO ANG MAGAGANAP.
Alam ba natin kung bakit walang kasiguraduhan ang bukas? Una, ang ating pag-iisip at katauhan ay mayroong limitasyon. Hindi natin kayang alamin kung ano ang nakalaan sa atin para sa kinabukasan. Gaano man kaganda ang gawin nating plano, hindi pa rin tiyak kung ano ang maaaring mangyari, parang nasa dilim tayo, nangangapa. Pangalawa, kagaya ng sinasabi sa talatang 14, ang ating mga buhay ay parang isang aso (usok), sandaling lumilitaw at pagdaka?y biglang nawawala. Hindi lamang ang ating pag iisip ang may limitasyon, maging ang ating buhay ay gayon din. Maaring bukas o sa makalawa ay wala na tayo dito sa mundong ibabaw. Huwag natig isipin na marami pa tayong oras na maaaring gugulin sa ating mga minamahal, gawin ang mga bagay na nais natin gawin. Isipin natin parati na ang bawat araw ay huling araw na natin sa mundong ibabaw, ipamuhay natin si Kristo, sa pamamagitan nito ay masusumpungan natin ang ating mga sarili na nagawa na pala natin ang nais ng Diyos para sa atin.



Sa talatang 15:
ANG PAGMAMALAKI AY KABIGUAN UPANG PASALAMATAN NATIN ANG DIYOS.
Para sa isang mananampalataya, kung hindi natin ilalagay ang Diyos sa lahat ng ating balakin at plano ay para na din nating sinasabi sa Diyos na kaya mong mabuhay ng mag isa sa mundo na hindi na kailangan ang tulong ng kahit sino man. Lagi natin tandaan, kung tayo man ay may mga balakin at desisyon sa buhay, lagi natin itong ipaubaya sa Diyos at kung kalooban niya ang mga bagay na ito, ipagpasalamat natin sa kanya.
Magkaminsan, kung may nagagawa man tayong isang bagay na nakabuti sa atin o sa atin mang kapwa ay nagiging mapagmalaki tayo sa bagay na ito, nakakalimutan natin na hindi magkakaroon ng katuparan ang lahat ng ito kung hindi dahil sa habag at kalooban ng Diyos. Mga kapatid, kung tayo man ay gagawa ng isang bagay, dapat natin laging isipin kung ito ba ay magiging katanggap tanggap sa Panginoon, kung ito ba ay tumutugma sa Kanyang pamantayan. Nararapat na ipanalangin natin ito at pakinggan natin kung ano man ang kaniyang payo para sa atin. Ang mga ganitong bagay ay naghahatid ng kaligayahan sa ating Diyos.

Parati nating isipin kung ito ba ay kalooban ng Diyos para sa atin. Katulad po ng nakasaad sa Kawikaan 19:21 ANG ISANG TAO?Y MARAMING INIISIP, MARAMING BINABALAK, NGUNIT ANG KALOOBAN DIN NI YAHWEH ANG MANANAIG SA WAKAS. Gaano man po natin naisin ang isang bagay sa ating buhay kung ito naman ay hindi naaayon sa kalooban ng Diyos ay hindi rin po natin ito makakamtan sa ating buhay. Sabi nga sa Kawikaan 3:6 SIYA AY SANGGUNIIN SA LAHAT MONG MGA BALAK, AT KANYA KANG ITUTUMPAK SA LAHAT NG IYONG LAKAD. Lagi po nating tandaan na ang lahat ng bagay dito sa mundo ay Siya lamang po ang nakakatalos kung ano ang nakalaan para sa atin para sa bukas. Tandaan din po natin na kung wala SIYA ay wala din po tayo.

Sa talatang 16:
ANG PAGMAMALAKI AY PAGYAYABANG
Sabi nga po ni Apostol Santiago na masama ang nagmamalaki at nagiging palalo. Totoo naman po diba. Ang isang taong nagyayabang ng isang bagay na akala niya ay nasa kanya na, pero sa katotohanan naman ay wala. Sinumang indibidwal na namumuhay na wala ang Diyos sa kanyang puso at isip ay katulad ito ng taong binanggit ko kanina. Ang mga taong ito ay namumuhay at gumagawa ng sariling desisyon na akala mo ay hawak niya ang kanyang buhay at ang kanyang bukas.

Sa talatang 17:
ANG PAGMAMALAKI AY KASALANAN
Sinasabi sa talantang 17 Ang nakakaalam na mabuti dapat niyang gawin ngunit hindi ito ay nagkakasala. Sa talatang ito ay ipinapakita kung ano ang tunay na kahulugan ng kasalanan. Kalimitan po kasi, ikinukulong natin sa isang perspektibo na ang kasalanan ay paggawa lamang ng masama, ngunit malinaw pong ipinahahayag ni Apostol Pablo na ang nakakaalam ng kung ano ang dapat gawin ngunit hindi nman niya ginagawa ay nagkakasala. Kasalalan po ang pagsisinungaling. Maaari din pong maging kasalanan ang isang sitwasyon na alam natin ang totoo ngunit hindi po natin ipinahahayag. Kasalanan po ang magsalita ka ng masama laban sa iyong kapwa; kasalanan din po ang pag iwas sa isang kaibigan na nangangailangan ng pagdamay sa panahon na siya ay bagsak at lugmok sa pagdurusa. Kasalanan din po ang hindi pagsunod at pagtalima sa kautusan ng Diyos, kasalanan din po ang paggawa ng hindi tayo sumasangguni sa kanya. Kasalanan din po na kung ?NO? na ang sagot sa atin ng Diyos sa ating mga panalangin ngunit itinuloy pa din natin ang ating balakin. Ang kabayaran po sa lahat ng ating kasalanan ay? KAMATAYAN. Dapat, sa lahat ng pagkilos natin, isipin muna natin mabuti kung ito ba ay naaayon sa kalooban ng Diyos.


Sa susunod na pagkakataon na kailangan mong magdesisyon, ano ang gagawin mo?
1. Sasaliksikin mo ba ang kalooban ng Diyos?
2. Susundin mo ang iyong kalooban at naiisin?
Nasa atin po mga kapatid ang desisyon. Nawa ay masumpungan natin ang liwanag at katotohanan ng buhay.

Gusto ko pong tapusin ang aking pagbabahagi sa pamamagitan ng isang kwento. Ang kwento pong ito ay hiniram ko lang kay Bro, Bo Sanchez. Pumukaw po sa akin ang kwentong ito at nais ko ding ibahagi sa inyo:

Let me tell you a story. Three construction workers were on top of their half-finished skyscraper. Rrrrring!" the lunch bell sounded, and the three men sat on a steel beam jutting out of the 56th floor with their lunch boxes in hand.

The first guy opens his and groans in exasperation, "Tuyo!" There is not a day that I don't get tuyo for lunch!" He turns to his buddies and announces, "Mark my words. If I still get tuyo tomorrow, I'm going to throw myself from this building."

The second guy opens his lunch box and moans, "Tinapa". Everyday, I get tinapa!" He looks at his friends and declares, "Believe me when I say this. If I get tinapa tomorrow, I'm going to jump and kil! l myself."

The third guy opens his lunch box and it was his turn to despair. "Galunggong" . All I get is galunggong!" I'm telling you, if I still get galunggong tomorrow, I'm going to jump from this building and die."

The next day, the lunch bell rings and all three men are again seated on the 56th floor. The first guy opens his lunch box and starts crying, "Tuyoooooo!" And so he jumps and crashes on the ground.

The second guy opens his lunch box and wails loudly, "Tinapaaaa!" And he also hurls himself off the building and dies.

The third guy opens his lunch box and screams, "Galunggonggggg! " And so he too jumps off the building and splatters on the ground.

Days later, during the funeral of the three men, their three wives embrace and weep together. The first wife cries out, "I didn't know my husband didn't like tuyo anymore! Why didn't he tell me? If only he told me, I would have prepared something else."

The second wife echoes her statement, "Yes! If only I knew, I would have cooked something else, not tinapa!"

The third wife, between sobs, speaks up, "I don't know why my husband killed himself." The two wives look at her curiously. "Why?" She went on, "Because ... my husband prepares his own lunch everyday..."

I love this crazy story because it presents a very important truth: all of us prepare our own lunch. If we don't like our jobs, if we don't like the state of our relationships, if! we don't like what's happening to our spiritual lives - we have no one to blame but ourselves. Because God has given us free will. He has given us the power to prepare our own lunch.

If you want to earn more and be free from debt, if you're sick and tired of your bad habits, if we want to put more joy in our marriages, if we want to grow in our relationship with God - then go back to your kitchen and prepare yourself another dish. Because you design your own future. You create your own destiny. Ask yourself what kind of future do you want to have? What kind of life? What kind of eternity? You decide.


*** sermon was delivered by Bro. Jeffrey Gamat
on UCM Sunday, April 22, 2007 at UCCP-Kawit
J E F F R E Y
J E F F R E Y
ADMINISTRATOR
ADMINISTRATOR

Number of posts : 386
Age : 51
Location : Kawit, Cavite, Philippines
Registration date : 2007-11-10

http://www.uccp-kawit.forumotion.com

Back to top Go down

Sunday Worship Service Message Empty Re: Sunday Worship Service Message

Post by J E F F R E Y Thu Nov 15, 2007 12:33 pm

"Kalayaan sa Bansa,

Kalayaan mula sa Panginoon"



Akala ko po ako?y magbibigay ng message sa prayer meeting pero hindi ko talaga inexpect na during service? kaya po talaga kinakabahan ako?

Noong sinabi nga sa akin na Kalayaan ang aking topic?napaisip ako agad?history???hala, hindi ko naman favorite ang subject na iyon when I was still studying so nagbasa ako ng kaunti...

Ano ang unang pumapasok sa isip natin kapag naririnig natin ang salitang kalayaan? Ano ba ang ingles ng kalayaan?
Freedom? sabi nga ni Mr. Webster? Freedom means having independence or liberty. It also means that it doesn?t require or rely on something or somebody else. Since dalawa ang sinasabing kalayaan sa aking topic, I decided na hatiin ang topic na binigay sa akin?

1. Kalayaan ng bansa
Balikan natin ang nakaraan? Ano ba ang nangyari noong Hunyo 12, 1898? Ito ang petsa na isinilang ang unang republika ng Pilipinas. Ito din ang petsa nang unang iniladlad ang watawat ng Pilipinas at unang itinugtog ang awit ng Pilipinas?
Ngunit bago nangyari ito, maraming pinagdaanan ang ating bansa sapagkat maraming bansa ang sumakop dito. Gayun pa man maraming matatapang at magigiting na mga pinuno/bayani ang mga nanguna upang makamit ang minimithing kalayaan ng ating bansa.
?at hindi tayo nabigo, naging malaya ang ating bansa?

2. Kalayaan mula sa Panginoon
Babasahin ko sa inyo ang Bible verse mula sa Juan 3:16 ?Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kaniyang bugtong na anak, upang ang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.?
Gusto ko rin po idagdag ang isa pang Bible verse mula sa
1Timothy 2:6 ?He gave his life to purchase freedom for everyone. This is the message that God gave to the world at the proper time.?
Ibinigay ng Panginoon ang kaniyang anak na si Kristo, hinayaang ibigay o ibuwis ang buhay upang matubos tayo mula sa ating kasalanan?upang maging malaya na tayo.

Mga kapatid, introduction pa lamang po ito?


Kalayaan ng bansa at Kalayaan mula sa Panginoon?
Sigurado ba tayong malaya na talaga ang ating bansa?
Sigurado ba tayong Malaya na ang sarili natin?


Puwede natin ito iugnay ang dalawang sinasabing Kalayaan?

Kalayaan sa Bansa Kalayaan mula sa Panginoon

*captives Filipinos tayo (mga tao sa buong undo)


*captors/ mga mga dayuhan mga kasalanan
hadlang sa
kalayaan


*way/s na mga pinuno/bayani Jesus
ginamit para
makamit ang
kalayaan


*result malaya mula sa mga malaya mula sa mga
captors - mga captors - kasalanan
dayuhan

malaya? malaya?


Bakit mayroon parin akong inilagay na mga question marks sa parehas na sinasabing kalayaan???


Kalayaan ng Bansa
Kung papipiliin ko kayo ng mga produkto? ano ang pipiliin ninyo?
Bibingka o burger?
Toblerone o Chocnut?

Masakit man na sabihin?alipin parin tayo ng mga dayuhang bansa? bakit? Nasa atin parin ang impluwensya nila? sa pamumuhay, pananamit, pagkain o iba pang mga produkto?

Simple pa lamang ang halimbawa iyong kanina? kasi hindi tayo aware na we are still influenced by other countries?
We prefer imported products as well. Literally, malaya na ang ating bansa pero unconsciously, we are still influenced by them?so masasabi ba natin na malaya na talaga tayo?

Kalayaan mula sa Panginoon
Given na tinubos tayo ni Jesus at naging malaya tayo?
Sabi nga sa isang Bible verse na mula sa 2Corinthians 3:17 ?Now the Lord is the Spirit, and where the spirit of the Lord is?there is freedom.?

Nang tinanggap natin ang Panginoon sa ating buhay, naging tunay na malaya tayo. As we claim to be Christians nga? ?Forget the old YOU and welcome the new YOU??so dapat kalimutan na natin ang dating tayo?na makasalanan?

Ano ba tayo dati?? Dati ako ay?mahilig umalis o lumaboy kahit may class ako kinabukasan?madali akong maimpluwensyahan ng ibang tao kahit ito pa man ay wrong crowd?then when I accepted Christ as my savior? I realized na ang ginagawa ko pala noon ay hindi maganda?hindi rin ako naging good example sa iba at hindi rin kalugod-lugod sa paningin ng Panginoon iyon?

Sabi nga sa isang Bible verse na mula sa Efeso 4:22-24 ?Iwan na ninyo ang dating pamumuhay, hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, na napapahamak dahil sa masasamang pita. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat makita sa inyo?y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng kaniyang katuwiran at kabanalan.?
?pero tulad ng kalayaan ng bansa?we are enslaved by the captors o ang mga dayuhan?
sa kalayaan mula sa Panginoon?tinanggap na natin siya? pero may katanungan ako?

sino o ano ba ang naging captors/ hadlang upang makamit ang kalayaan natin noon??

Mga Kasalanan? pero masasabi ba natin na malaya na tayo sa kasalanan ngayon??

Aware ba tayo na ang barrier o sabihin na nating naghihiwalay sa atin at sa Panginoon ay ang mga kasalanan?

Nang tanggapin natin ang Panginoon, naging aware na tayo kung ano ang tama at mali?ngunit bakit kung minsan ang pinipili parin natin ay kung ano ang mali??
?at kung minsan natotolerate pa natin ang mga kasalanan?thinking maliit lamang ito?

(mga halimbawa, ang project ay worth P20.00 lang pero siyempre iisipin mo pa ang pagkain, pamasahe at pangload mo?so ang project na hihingin kay itay o inay ay naging worth P80.00 na?
isa pang halimabawa ay ang white lie?kunwari mayroon kang kaibigan na nakasuot ng damit na silver at gold?kapag tinanong ka niya ok ba o maganda ba?sasabihin mo?oo magandang tignan kasi ayaw mong saktan ang kaibigan mo?pero kahit sabihin nating white lie ito?ay lie padin dahil kahit anong kulay pa man ito?kahit orange lie o pink lie o violet lie?ay lie parin ito)

pero tandaan natin kahit maliit na bagay lang iyon?may kasabihan nga na ?Big things come from small things??

As Christians, we claim that we are free?but are we really free from sins??? Maskilala natin ang ating sarili kaysa kilala tayo ng ibang tao?

Alam natin o aware tayo sa mga kasalanan na ginawa natin noon at sa kasalanan na patuloy nating ginagawa ngayon?

Tandaan natin, hindi lang ang kapwa natin ang nasasaktan natin?hindi lamang ang ating sarili?ngunit ang pinakanasasaktan natin ay ang Panginoon?


ANO ANG DAPAT NATIN GAWIN??

1. Confess
-confess our sins
-sabi nga sa Bible verse mula sa 1Juan 1:9 ?Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siya?y matuwid?
-ang ugali na dapat nating ipakita dito ay ang pagiging humble?let?s take off our pride?aminin natin na tayo ay nagkasala?aminin ang pagkakamali na ginawa?aminin natin ito sa ating mga sarili at sa Panginoon.

2. Accept
-tanggapin natin na tayo ay nagkamali?
-ang ugali na dapat din nating ipakita dito ay ang pagiging forgiving?kasama ang pagpapatawad dito?
-kung minsan naman kahit alam natin na pinatawad na tayo ng kapwa natin at ng Panginoon?may times parin na hindi natin mapatawad an gating sarili?
-we should learn to forgive others and forgive ourselves as well?remember na sinabi sa atin ng Panginoon mula sa Bible verse na Isias 1:18 ?Halikayo at magliwanagan tayo. Gaano man karami ang inyong kasalanan, handa akong ipatawad ang lahat ng iyan. Kahit na kayo?y maruming-marumi sa kasalanan, kayo?y magiging busilak sa kaputian.?

3. Renew
-sabi nga ni Mr. Webster?it means to become new again
-I?m pertaining to renewal of spirit
-it?s about forgetting the old ?you?? kakalimutan na ang dating sarili na makasalanan?
-ang ugaling dapat din nating ipakita dito ay ang pagiging committed to have a new life?
-from the Bible verse nga Ezekiel 36:26-27 ?Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong masunurin. Bibigyan ko kayo ng aking espiritu upang makalakad kayo sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.?
-may salita nga na ?bagong buhay??so let us take this chance?

*I also want to share a few lines from a Christian song nga? ?just live your life?with God inside you won?t regret one moment of it and give all that you can for God? Jesus because of you?I?m free?


*Kalimutan na natin ang dati nating sarili na makasalanan? Sabihin natin sa ating sarili na?

?Kakalimutan ko na ang DATING ako?
mamumuhay na ang BAGONG ako?
ang BAGONG AKO na kalugod-lugod sa Panginoon?
ang bagong ako na karapat-dapat sa KALAYAANG
ipinagkaloob Niya.?


*Iiwan ko ang isang katanungan na nawa ay maging hamon ito lahat sa atin? lalo na bilang mga kristiyano? subukan natin itanong sa ating mga sarili ngayon?

?Malaya na ba ako??

(this sermon was delivered by Sis. Jonah Mae Crisostomo during the celebration of Youth Sunday, June 10, 2007 at UCCP-Kawit)


Last edited by J E F F R E Y on Sun Apr 26, 2009 11:14 am; edited 2 times in total
J E F F R E Y
J E F F R E Y
ADMINISTRATOR
ADMINISTRATOR

Number of posts : 386
Age : 51
Location : Kawit, Cavite, Philippines
Registration date : 2007-11-10

http://www.uccp-kawit.forumotion.com

Back to top Go down

Sunday Worship Service Message Empty Re: Sunday Worship Service Message

Post by J E F F R E Y Thu Nov 15, 2007 12:34 pm

COMMUNION SUNDAY
September 2, 2007
Christian Education & Nurture Month
2 Corinthians 8:1-5




Ang buwan ng September ay itinakda na ang diin o emphasis ay Christian Education & Nurture Month. Hindi ito nangangahulugan na September lamang o isang buwan lamang at 11 buwan ay hindi na mahalaga. Lahat ng buwan ay mayroong emphasis. Katulad natin, lahat tayo ay may birthday, pero hindi naman araw-araw ay birthday natin, magastos po yaon.

Sa buwang ito ng September ay binibigyan natin ng malaking bahagi and kahalaganan ng Christian Education & Nurture sa buhay ng iglesia. Gaya ng nakalagay sa UCCP Calendar, The physical and moral strength of a person depends on how or she was brought up the family where he r she comes from. Ang ating pisikal na kalusugan at moral na kalakasan ay lagging depende kung papaano tayo pinalaki n gating pamilyang pinanggalingan at ang simbahan bilang isang malaking pamilya na tinatawag na Household of God at ang Christian Education Ministry ng iglesia ay nagkakaloob sa atin upang tayo ay lumakas at magkaroon tayo ng matured na mananampalataya. Isang paniniwala at kaugnayan sa Diyos hindi buhat sa tradition, hindi galling sa paaralan o unibersidad, hindi buhat sa karunungan o wisdom ng tao kundi batay sa Salita ng Diyos o from the Bible.

Gaya ng sabi ni Saint Paul, nang akoy bata pa, nagsasalita ako gaya ng bata, ngayong akoy magulang na, iniwan ko na ang lahat ng ugaling bata ang isip bata. Amg role ng CE ng simbahan ay malaking tulong sa ating maturity bilang isang Anak ng Diyos. Hindi na tayo naniniwala sa mga santo o santa o birhen na lumuluha o iiyank ang rebultong kahoy o marmol o tanso. Hindi tayo naniniwala sa milagro na gawa lamang ng tao. Ang pinakamalaking tulong sa atin ng simbahan through Christian Education, through preaching ang teaching, ay yaong tayoy maging mabuting katiwala ng Panginoon, isang Good Steward.

Ito ang main lesson na tayoy maging Good Steward of God. Ang Good Steward ay sumasakop sa 3 T Time, Talant and Treasurer. Itoy bigay sa atin ng Diyos at ipagsusulit natin sa kanya. Saan at paano natin ginamit ang ating panahon, an gating talernto at biyaya na kaloob niya sa atin. Hindi lamang pera ang sakop ng pagiging mabuting katiwala.

ILUSTRASYON:
Sa isang Sunday School ng mga bata the teacher asked the pupils to spend a little time writing a letter to God. Isang bata ang sumulat kay God:

Dear Jesus,
I am glad to report to you that I have become a member of the little boys choir. Now Lord you can hear me every Sunday morning in our Worship Service.
Panahon niya at talento sa pag-awit ang bigay sa Panginoon lingo-linggo. Gaya ng mga bata sa ating Kids Psalmist Choir lingo-linggo ay umaawit sa choir. Wika ng isang quotation Give to the Lord in proportion to how much you know and feel He has blessed your life. Give the best to the Master, ang wika ng isang awit.

Ang ikalawang diwa ng pagiging mabuting katiwala is the Christian practice of giving has to do with mod or the spirit of giving. Ito ang sinasabi ni Saint Paul sa ating texto ukol sa Iglesia ng Macedonia na tinatawag na Christian Grace of Giving.

(Basahin ang texto II Corinthians 8:1-5)

Bakit sila mayroong laya o galak sa pagkakaloob sa kabila ng kanilang kahirapan o paghihikahos. Ang sikreto, una nilang ibinibigay ang kanilang sarili sa Panginoon first of all, they gave themselves to the Lord. Ang panahon, talento at pera ay hindi na problema. Naibigay na yaong pinakmahalaga, an ating sarili.

Ito ay nakita ng Panginoon sa babaeng balo na nagbigay ng least coin na yaon lamang ang mayroon siya. Ang pagbibigay ay hindi obligasyon kundi pasasalamat o Thanksgiving sa kabutihan ng Diyos. For God loves a cheerful giver. Iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng masaya.

Ikatlo, at itoy bahagi ng the Christian Grace of Giving bilang mabuting katiwala o Good Steward in our motive sa pagbibigay. Bakit tayo nagbibigay sa iglesia o sa Panginoon, hindi upang buksan ang langit, lalong hindi bayad sa ating kaligtasan at sa ginawa n gating Panginoon. We cannot count the blessing of God. Hindi natin kayang tumbasan ay ang ibinibigay sa atin ng Diyos.

Tayoy nagbibigay bilang isang mabuting katiwala sapagkat ang Panginoon ang unang nagbigay ng Kanyang sarili para sa ating kaligtasan. Nabayubay siya sa krus para sa ating kaligtasan. Ang lahat ng ating motive sa pagbibigay ay hindi bayad sa ginawa ng Panginoon, hindi natin ito kayang tumbasan o bayaran. Gaya ng natalakay sa ating food for thought, Sacrifice is the true measure of our giving. The more we give the more we receive.

Ang mabuting katiwala ay honest at tapat sa kanyang Panginoon maging sa maliit na bagay. Maaari nga nating malinlang an gating amo na tao kung tayo ay under niya sa trabaho but not to God.

Kaya ang panawagan ni Saint Paul sa mga kapatid sa Roma 12:1-2 (basahin).

Hindi tayo magiging mabuting katiwala ng Diyos, Good Steward of God, hanggang hindi pa natin naihahandog an ating sarili sa Panginoon at ito ay pangunahing dahilan kung bakit mayroon tayong Christian Education & Nurture sa ating simbahan. Upang palakasin at patatagin ang pamilya ng Diyos, THE HOUSEHOLD OF GOD.

AMEN.
J E F F R E Y
J E F F R E Y
ADMINISTRATOR
ADMINISTRATOR

Number of posts : 386
Age : 51
Location : Kawit, Cavite, Philippines
Registration date : 2007-11-10

http://www.uccp-kawit.forumotion.com

Back to top Go down

Sunday Worship Service Message Empty Re: Sunday Worship Service Message

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum