United Church of Christ in the Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Simbang Gabi 2010

Go down

Simbang Gabi 2010  Empty Simbang Gabi 2010

Post by J E F F R E Y Sun Jan 09, 2011 9:53 am

ANG NAKAKALIMUTAN NATIN SA KAPASKUHAN

Ang PASKO ang masasabi natin na pinakabonggang ipinagdiriwang sa buong taon. Kung tatanungin po natin ang mga kaibigan, kaanak natin tungkol sa Pasko, sigurado mababanggit ang mga tauhan sa pinakaunang Pasko. Ang panganganak ni birheng Maria, ang paglalakbay ng mag asawang Jose at Maria sa Betlehem, ang pagtanggi sa kanila sa kanilang panunuluyan, ang munting sabsaban, ang mga pastol at mga anghel at ang mga pantas. Ang atin pong simbahan ay naniniwala sa kapanganakan ni Kristo sa kapanahunan gaya ng nasasaad sa bibliya. Sa bawat pagbati po natin sa ating kapwa ng maligayang pasko ay ipinapaalala po natin si Kristo.

Ang unang Pasko ay una pong binanggit sa aklat ni Mateo, ang unang aklat sa Bagong Tipan. Maari po nating sabihin na marapat natin basahin ang aklat ni apostol Mateo tuwing Advent season. Mas mainam po ito dahil napapanahon at syempre mas masarap umpisahan ang simula.

Ano po ba ang nasusulat sa aklat ni apostol Mateo? Ang aklat po ni apostol Mateo ay naglalaman ng mabuting balita na una pong isinulat para sa mga Hudyo. Ito po ang tanging aklat na nagpapahayag kung paano tinupad ni Kristo and propesiya. Dito din po ipinapakita na si Krsto Hesus ang matagal nang hinihintay na tagapagligtas.

Lahat po tayo ay pamilyar na pamilyar sa istorya ng unag Kapaskuhan. Napagtutuunan pansin po natin ang tagpong ito mas higit sa mga tauhan. Alam na alam po natin ang kwento pero ano po ba ang mga nakakalimutan natin?



Sa gabi pong ito, ay nais kong bigyan ng diin ang APAT na puntos na madalas natin makalimutan kung bakit mayroong PASKO.



1. SA TAGPO SA SABSABAN, NAKAKALIMUTAN PO NATIN KUNG BAKIT PINILI NG DIYOS NA MAGKATAWANG TAO.

Simula pos a pagkabata ay tinuturuan po tayo ng ating magulang na makatayo sa sarili nating paa. Tinuturan po tayo na gumawa ng hindi humihingi ng tulong. Tama naman po diba, hindi sa habang panahon ay aasa tayo sa ibang tao. Sa isang bagay lang po nabigo ang mga tao… ito ay iyong pagpunta sa langit. Sa kasaysayan, pinilit ng tao na pantayan ang antas ng Diyos ngunit ito po ay hindi nangyari. Gaano man po ang kanilang pagsisikap ay hindi nila matatapatan ang Diyos sapagkat ang tao po ay makasalanan. Katulad po ng dahon, ito’y nalalanta at natutuyo… nalalaglag sa lupa. Ang kasalanan po ay parang hangin na tinatangay tayo.

Sa unang kasaysayan ng mga Hudyo, ipinadala ng Diyos ang mga propeta sa mga Israelita ngunit sila po ay hindi pinaniwalaan, they where persecuted at minsan po ay pinapatay. Dahil po dito ay gumawa ng hakbang ang Diyos. Tandaan po natin na ang pangako ng Diyos ay wagas at dalisay, hinihintay lang po niya na magpakumbaba tayo, aminin an gating mga kasalanan at pagsisihan ang mga ito.

Dahil sa patuloy na pagtanggi ng tao sa mga bagay na ito, minabuti po niya na magkatawang tao at makisalamuha sa atin. Hindi nya ginamit ang pagiging Diyos nya habang sya ay nasa lupa sa halip ay nakisalamuha sya kasama ang mga ordinaryong tao. Nakakalimutan po natin na ang munting sanggol sa sabsaban ay walang iba kundi ang ang Diyos na lumikha ng langit at lupa at lahat ng bagay na ating nakikita, nararamdaman.

Sa aklat po ni Juan ay nakasaad sa John 1:1 In the beginning the Word already existed. He was with God, and he was God. Gayundin po sa John 1:14 So the Word became human and lived here on earth among us. He was full of unfailing love and faithfulness. And we have seen his glory, the glory of the only Son of the Father.



Dahil po sa ating mga problema, mga kasalanan, sa ating nakaraan, pangkasalukuyan at sa hinaharap kaya iniwan ni Kristo ang pagiging Diyos mula sa langit, bumaba sa lupa upang tayo ay tubusin sa ating mga kasalanan.



2. NAKAKALIMUTAN PO NATIN ANG SAKRIPISYO NA DINAANAN NG PANGINOONG HESUKRISTO

Napakalaki po ng pagkakaiba ng pagiging isang tao at ng nagkatawang tao. Isinugo ng Diyos ang kanyang bugtong na anak na si Hesu Kristo para sa ikasasagip ng tao. Kung atin pong susuriin at ninilay inlaying mabuti, napakadali po para sa Diyos na gawing magic ang lahat ng bagay kung kanyang nanaisin. Ngunit hindi po ganun ang nangyari, sa halip, nagkatawang tao ang kanyang bugtong na anak, dumanas ng maraming hirap at pasakit at sa kahulihan po ay ipinako sa krus upang tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan. Kung ginusto ng Diyos na madali ang lahat na parang isang magic, hindi na sana dinanas ng Panginoong Hesu Kristo ang lahat ng pinagdaanan nya hanggang sa krus ngkalbaryo.



Sa aklat ni Lukas, na sya ring may akda at isang alagad ni Kristo, inilahad po niya si Kristo bilang isang bata. Mababasa po natin sa Luke 2:52 So Jesus grew both in height and in wisdom, and he was loved by God and by all who knew him. Ibig sabihin, lumaki si Kristo kagaya natin mula pagkabata. Nasubukan nap o ba natin na isiping mabuti kung ano po ba ang mga pinagdaanan ni Kristo para sa atin simula pos a kanyang pagsilang? Ang panganganak po ay isang napakahirap para sa mga ina, tama po ba? Lalo na kung normal delivery po. Pero noong panahon ni Kristo wala pa po yung mga anesthesia at kung anu-anong medical apparatus na ginagamit ng mga doctor. Isipin po natin kung anong hirap ang pinagdadaanan nila noong mga panahon na iyon.

Maraming pong magagandang memories ang mga bata lalo’t higit yung mga first experiences nila habang sila ay lumalaki. Ang unang paghakbang, ang unang pagtubo ng ngipin, ang unang salita na namutawi sa kanyang labi at kung anu-ano pa. Pero katulad po ng isang ordinaryong bata, mayroon din po silang mga panahon na nasasaktan pisikal man o emosyonal. Maging ito man ay nakuha nya sa paglalaro, sa pag-aaral o kaya’y nasasaktan ng kanyang kapatid. Isipin po natin na si Kristo ay an gating nakakatandang kapatid, sigurado po ako na parati nating maririnig sa ating mga magulang na “Bakit hindi ka tumulad kay Kristo, wla syang kapintasan!” Nakaktakot po isipin ano…

Pero bilang magulang, sumugal ang Diyos para sa kanyang bugtong na anak, hindi nya po binigyan ng madaling buhay si Kristo simula pa lamang sa kapanganakan nito. Bagkus, lahat po ng hirap at pasakit ay dinanas niya na malayong malayo po sa ating naranasan simula ng tayo ay mga bata. Maswerte tayo dahil meron na pong mga ospital na magpapaanak, may mga anesthesia na para hindi maramdaman ang sakit ng panganganak, may mga gamot na panglunas, may mga bakuna na at higit sa lahat ay may batas na din po tayo para sa Anti-Child Abuse. Pero isipin po natin ang kalagayan ng Herusalem dalawang libong taon na po ang nakakaraan, napakahirap po ng kanilang sitwasyon, mas mahirap pa pos a kalagayan ng mga tinatawag nating Third World Countries ngayon. Sigurado po ako na hindi nilagyan ng Diyos ang Panginoong Hesu Kristo ng pananggalang sa lahat ng mga ito. Sa halip, lumaki sya na katulad nating isang ordinaryong tao, nakadarama at nakadaranas ng mga pasakit at paghihirap. Maging mga pagsubok ay dumanas din po si Kristo. Hindi lamang po yung pagsubok sa kanya ng diyablo ang kanyang naranasan noong sya ay malaki na bagkus, musmos pa lamang po sya ay dumanas na sya ng pagsubok sa kamay ng mga Saserdote. Lahat po ng pagsubok at tukso na dumaan sa ating buhay ay pinagdaanan din po ng Panginoong Hesu Kristo ngunit hindi po sya nagkasala katulad ng tao. Buong puso po na ibinigay ng Diyos ang mga pagsubok na iyan kay Kristo, lahat po ng ito ay sinuong nya para sa iyo at para sa akin.



3. NAKALIMUTAN PO NATIN NA SI KRISTO BILANG TAO AT HINDI DAHIL SYA AY DIYOS

Maraming pagkakataon po na nadidinig ko po na ang mukha po ng lahat ng tao ay siyang mukha din ng Panginoong Hesu Kristo. Lagi po natin nakikita si Kristo bilang kumakatawan sa sangkatauhan. Ngunit sa kabila po nito, masasabi natin sa ating sarili na katulad nating mga tao, si Kristo ay may sariling hugis ng mukha, may sariling buhok, ilong, mata at tainga. Ang isang tao po ay nakikilala sa pamamagitan ng kanyang paglalakad, sa kanyang pananalita, kung paano po siya manamit, kung paano hawiin ang kanyang buhok at maging pagkamot sa ulo.

Si Kristo po bilang isang indibidwal ay may sariling katangian din katulad po ng sa atin. Sigurado po ako na nagkakamot din sya ng parte ng kanyang katawan katulad natin. Sa kanyang kapanahunan, kinikilala si Kristo bilang isang tao. Karamihan noon ay hindi nakikinig sa kanyang mga salita dahilan na rin po sa kanyang istilo ng pananalita, sa kanyang istilo ng pananamit o kung gaano kahaba o ano ang kulay ng kanyang buhok o kaya ay sa mga mannerism nya sa katawan. Nakikita nila si Kristo bilang tao, anak ng isang karpintero. Siguro naman po nung panahon na sya ay nag aaral hindi siya ipinakilala ng kanyang guro bilang Prinsipe ng Kapayapaan, Bugtong na Anak ng Diyos kundi sya si Hesus, anak ni Jose na isang karpintero.

Ang kapanganakan ni Kristo sa sabsaban ang isang mukha ng kanyang buhay at kakambal po nito ay ang kanyang pagkapako sa krus ng Kalbaryo. Ang kanyang pagkapako sa krus ay katugunan ng tao sa kanyang mga ipinapangaral at iyon po ay ninais ng mga taong nakapaligid sa Kanya na hindi matanggap ang mga mabuting balita na kanyang ipinahahayag. Kailanman ay hindi natin maaring ihiwalay ang isang politiko sa kanyang politika, ang isang negosyante sa kanyang negosyo o ang isang mangangaral sa kanyang mga ipinangangaral o kaya ay si Kristo sa Kristiyanismo. Hindi dumating si Kristo sa mundong ito bilang maging halimbawa sa lahat, datapwat dumating sya sa mundong ito bilang isang tao ang sigurado po ako na ito ang pinaniniwalaan ng mga tao na kanyang nakasalumuha mula sa kanyang pagkabata.



1. 4. ALAM NATIN NA ANG KWENTO NG PASKO AY MAY KATAPUSAN, ITO AY ANG PAG UWI NG MGA PANTAS, SUBALIT NAKAKALIMUTAN NATIN NA HINDI PO ITO ANG WAKAS SUBALIT ANG SYANG SIMULA.

Ang lahat po ng simula ay siguradong may katapusan. Ang isang pelikula ay natatapos kapag natapos na ang kwento. Ang isang kanta ay mayroong simula at katapusan din. Katulad ng kwento ng Kapaskuhan, ito ay natatapos sa pagdalaw ng mga pantas sa Panginoong Hesu Kristo. Aminin man natin o hindi, ito po ang kwento na kinalakihan natin. Sa mga programa na isinasabuhay ang Unag Pasko, natatapos po ito kapag nadinig na ang kanta na “We Three Kings”. Maari na tayong bumalik sa ating mga trabaho pagkatapos ng araw ng Pasko at muli na lang nating hintayin sa susunod na taon ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng mga bata. Malimit po kasi nating sabihin na ang Pasko ay para sa bata. Tama po ba?

Ang kwento po ng Unang Pasko ay siyang simula at hindi po ito natatapos sa pag uwi ng mga pantas na sumakay sa kanilang kamelyo at hindi na bumalik kay Haring Herodes. Ang kwento po ng Pasko ay hindi kumpleto para sa akin hanggat wala ang anino ng pagbagsak ng krus sa sabsaban. Kung tinitingnan po natin na ang katapusan ng kwento ay ang pagkapako ni Kristo sa krus o kaya ay ang kanyang pagkabuhay na maguli pagkatapos ng tatlong araw o ang pagbalik ni Kristo sa langit, hindi po. Katulad po ng isang regalo, hindi mo ito matatawag na regalo hanggat hindi ito tinatanggap ng iyong pagbibigyan. Ang Diyos po ay may regalo sa ating lahat, at yan po ang kapanganakan ni Hesu Kristo, at ang regalo naman ni Kristo para sa ating lahat ay ang kanyang buhay. Hindi po matatapos ang kwento ng Pasko hanggat hindi po natin taos pusong tinatanggap ang regalo na mula sa Diyos at sa Kanyang Bugtong na Anak na si Hesu Kristo. Ang resulta po ng regaling ito ay buhay na walang hanggan sa piling n gating Diyos na Lumikha, isang bukay na walang hanggan, walang katapusan.

Maigiging katuparan poi to para sa ating lahat kung atin pong tatanggapin ang kanilang mga regalo. Isang regalo na masasabi nating walang katumbas dito sa mundong ating ginagalawan. Ang pananampalataya at paniniwala natin sa ating Diyos ang siyang kaganapan na ang kanilang regalo ay lubos at taos puso nating tinatanggap.

Nawa’y ang espiritu ng Kapaskuhan ay patuloy na manatili sa ating mga puso. Maisapamuhay po nawa natin sa araw araw ang kanilang mga itinuro at gamitin bilang pananggalang sa mga pagsubok na ating hinaharap sa araw araw.



ISANG MAGANDANG GABI PO SA ATING LAHAT AT MALIGAYANG PASKO MGA KAPATID KAY KRISTO.



Mensahe para sa Simbang Gabi, December 18, 2010
Board of Trustees
J E F F R E Y
J E F F R E Y
ADMINISTRATOR
ADMINISTRATOR

Number of posts : 386
Age : 51
Location : Kawit, Cavite, Philippines
Registration date : 2007-11-10

http://www.uccp-kawit.forumotion.com

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum